Friday, August 15, 2008

BUHAY PA ANG JUEGO DE JANIERO SA BRGY. SAN CRISTOBAL




Dahil sa pagmamahal sa nakagisnang tradisyon ay pinanatiling buhay ng mga taga-Barangay San Cristobal ang larong "Juego de Janiero". Ang larong ito ay ang kumpetisyon ng mga "hinetero" na habang sakay sa isang rumaragasang kabayo ay saka tutuhugin ang mga maliliit na singsing na nakabitin sa isang sampayan. Ang bawat matuhog na singsing ay may kaukulang premyo o gantimpalang nakalaan. Ginanap ang naturang palaro kaalinsabay ng pagdiriwang ng isang linggong pagpaparangal para sa kapistahan ng Patrong San Cristobal. (SANDY BELARMINO)


SAN CRISTOBAL COCO-SPORTSFEST 2008

























































COCO-SPORTSFEST 2008 - Upang higit na maipakita ang pagpapahalaga sa industriyang pagniniyog na malaki ang inaambag sa kabuhayan ng Barangay San Cristobal, Lunsod ng San Pablo, ay sama-samang isinagawa ng mga taga Barangay ang kumpetisyon sa pabilisan ng pagtatapas, pag-kakayod at pag-gagata ng niyog. Ang Coco-Sportsfest na ito ay maihahalintulad sa isinasagawang taon-taong pagdiriwang ng Coconut Festival (COCOFEST) ng Lunsod ng San Pablo bilang pagkilala sa ambag ng punong niyog sa ikinaunlad ng ating lunsod. (SANDY BELARMINO/Laguna Courier/TV Host DYARYO SA TELEBISYON/7LPC)









Thursday, August 14, 2008

FIESTA 2008: GRAND NIGHT CELEBRATION









































































































































SAN CRISTOBAL MISS GAY BEAUTY CONTEST 2008
















ANG GABI-GABING KASAYAHAN, HANDOG NG PAGSAMA-SAMA AT PAGKAKAISA NG MGA TAGA BRGY. SAN CRISTOBAL



































































SAN CRISTOBAL'S PICNIC 2008 (July 26)
































































































































































































































































































































































PAGKATAPOS NG HIRAP, KASAYAHAN NAMAN! - Dahil sa ipinakitang pagsasama-sama at pakikiisa ng buong Barangay San Cristobal sa nakaraang isang linggong pagdiriwang ng kapistahan ay napagkaisahan ng pamunuan na magsaya at mag-picnic sa magandang Bato Spring Resort na matatagpuan sa naturang barangay.
Higit na napagbuklod at napagkaisa ni Barangay Chairman Benjamin "Benbong" Felismino at ng kanyang may-bahay Shirley Aningalan Felismino ang mga mamamayan ng Barangay San Cristobal, ika nga ni Chairman Benbong: "Sa Hirap at Ginhawa, Brgy. San Cristobal, Kayang-kaya natin ito kapag tayo'y sama-sama at nagkakaisa. (SANDY BELARMINO/Vice President, Seven Lakes Press Corps/TV Host- DYARYO SA TELEBISYON/Telmarc 21 and Celestron 10/Reporter-Columnist Laguna Courier, Wed. Herald and Southern Tagalog Herald)