Tuesday, August 12, 2008

BAYANIHAN SA BRGY. SAN CRISTOBAL

Lunsod ng San Pablo – Muling nanumbalik ang kultura ng bayanihan sa Barangay San Cristobal sa lunsod na ito nang pangunahan ng mga kababaihan ng St. Christopher Women’s Association (SCWA), St. Christopher Multi-Purpose Cooperative (SCMPC) at Sangguniang Barangay ang isang clean-up sa naturang lugar bilang simula ng paghahanda nila sa kapistahan ng barangay at pagpapakita na rin ng pagkakaisa ng mga mamamayan doon.

Ang naturang clean-up ay sinimulan ng noo’y San Cristobal Farmer’s Association (SCFA) na ngayon ay kilala bilang SCMPC noong 2006 at ginagawa nila ito taon-taon bilang handog sa kanilang patron na si San Cristobal.

Ang SCFA ay itinatag ng Organization for Sustainability and Development Inc. (OSAD) upang maging kaakibat ng mga magsasaka sa naturang barangay kaalinsabay ang pag-aalaga sa bundok ng San Cristobal kung saan sa barangy na ito matatagpuan itinuturing na misteryosong bundok katabi ng bundok Banahaw.

Ayon naman kay Barangay Chairman Benjamin “Benbong” Felismino II, lubos ang pakikiisa ng kanyang mga ka-barangay sa mga programang ito at magandang simula patungo sa pag-unlad ng mga taga San Cristobal. (Arvin P. Carandang/The Guardian News, August 2-8, 2008)

No comments: