Dahil sa pagmamahal sa nakagisnang tradisyon ay pinanatiling buhay ng mga taga-Barangay San Cristobal ang larong "Juego de Janiero". Ang larong ito ay ang kumpetisyon ng mga "hinetero" na habang sakay sa isang rumaragasang kabayo ay saka tutuhugin ang mga maliliit na singsing na nakabitin sa isang sampayan. Ang bawat matuhog na singsing ay may kaukulang premyo o gantimpalang nakalaan. Ginanap ang naturang palaro kaalinsabay ng pagdiriwang ng isang linggong pagpaparangal para sa kapistahan ng Patrong San Cristobal. (SANDY BELARMINO)
Friday, August 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment