Nasa larawan ang mga taga barangay San Cristobal habang masayang hinihintay ang pagdating ng prusesyon ng patrong San Cristobal. Likas na sa mga taal na taga San Cristobal ang maging masayahin lalu't higit sa araw ng kapistahan sapagkat nababatid ng mga ito ang panibagong biyayang matatanggap dahil sa pagpapahalaga at pananampalataya sa mga Banal na Aral ng Diyos at sa mabuting pamamagitan at pananalangin ng Mahal na Patrong San Cristobal.
Mabigat man ang pasanin dahil sa mga pagsubok sa panandaliang mundong ito ay iisa ang isinisigaw ng Brgy. San Cristobal: "kayang-kaya pag sama-sama at nagkakaisa".
No comments:
Post a Comment