Si Brgy. San Cristobal Chairman Benjamin M. Felismino II, kanyang may bahay na si Shirley A. Felismino, mga opisyales at mamayan ng Barangay habang isinasagawa ang munting parade upang opisyal na buksan ang isang linggong pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang Barangay sa Hulyo 25. Simula hulyo 19 ay gabi-gabing magkakameron ng Dance Contest, Singing Contest, Battle of the Band, Miss Gay Competition at Grand Concert sa mismong gabi ng Hulyo 23 at ang lahat na ito’y gaganapin sa San Cristobal Elem. School Covered Court. Para sa higit na kabatiran ay pwedeng tawagan si G. Shirley A. Felismino sa 801-3991 o si Jessa Mortel sa CP No. 0928 842 1087. (SANDY BELARMINO)
Wednesday, August 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment