KAYANG KAYA PAG SAMA-SAMA AT NAGKAKAISA - Isinabuhay ng Pamunuan ng Barangay San Cristobal sa pangunguna ni Chairman Benjamin "Benbong" Felismino II, mga kagawad, SK Officials at mga mamamayan ng naturang barangay ang tunay na diwa ng bayanihan: pagsasama at pagkakaisa tungo sa kapayapaan at kaunlaran. Isang linggo pa man bago ipagdiwang ang kapistahan ng kanilang patrong si San Cristobal ay pinaganda at nilinis ng pitong (7) purok ng Barangay ang kanilang kapaligiran upang higit na maging kaaya-aya sa mga nagdaraan at magiging panauhin ng kanilang lugar. Ipinamalas rin ng Unang Ginang ng Barangay, Gng. Shirley Aningalan Felismino at ng mga kababaihan ng Barangay San Cristobal ang kanilang pakikiisa at pag-alalay sa pamunuan ng Barangay sa pamamagitan ng walang humpay na pagtutok at pagpapakahirap para matamo ang magandang hangarin ng mga namumuno sa Barangay.
Thursday, August 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment